dzme1530.ph

Malacañang, kinumpirmang natanggap na ang Maharlika Bill

Kinumpirma ng Malacañang na natanggap na nito ang pinal na bersyon ng Maharlika Investment Fund Bill.

Ayon sa Presidential Communications Office, nasa Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs na ang kopya ng Maharlika Bill.

Gayunman, sinabi ni PCO Sec. Cheloy Garafil na wala pang petsa kung kailan lalagdaan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang batas.

Matatandaang kapwa nilagdaan na ng Liderato ng Kamara at Senado ang Maharlika Bill na layong gamitin ang assets ng gobyerno para sa investments, upang mapalago ito at magkaroon ng karagdagang pondo.

Una nang sinabi ng Pangulo na kaagad niyang lalagdaan ang Maharlika Bill sa oras na matanggap niya ito. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author