Bubuo ang Department of Justice (DOJ) ng task force para habulin ang mga smuggler, hindi lamang sa industriya ng sibuyas kundi sa buong agricultural sector.
Kasunod ito ng direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa DOJ at sa National Bureau of Investigation na imbestigahan ang smuggling sa sibuyas at iba pang agricultural products.
Sa statement ng DOJ, ang “Anti-Agricultural Smuggling Task Force” ay ipa-partner sa special team of prosecutors na tututok sa pag-protekta sa buong agricultural sector.
Ang task force ay binubuo ng Office of the Prosecutor General, na pinamumunuan ni Chief State Prosecutor Richard Fadullon, at National Bureau of Investigation na pinamumunuan ni Dir. Medardo de Lemos. —sa panulat ni Lea Soriano