Inanunsyo ng Department of Justice na naisumite na ng National Bureau of Investigation ang mga karagdagang ebidensya na magpapatunay sa pagkakakilanlan ng gunmen na sangkot sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.
Ayon kay DOJ Spokesman Mico Clavano, nagsumite ang NBI ng mga litrato at video sa preliminary hearing, kahit binawi ng 10 akusado ang nauna nilang testimonya sa tinaguriang Pamplona massacre.
Sinabi ni Clavano na ang mga karagdagang ebidensya ay susuporta sa orihinal na pahayag ng mga akusado na naroon sila sa crime scene.
Inakusahan din ng DOJ official ang kampo ng mga suspek na gumagamit ng “dilatory tactics” makaraang dalawa lamang ang nagsumite ng kanilang affidavits na original copy habang ang iba ay nagpasa ng photocopies. —sa panulat ni Lea Soriano