Inanunsyo ng Manila Eletric Company (MERALCO) na malaki ang posibilidad na bumaba ang power rates ngayong buwan kasabay ng pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay MERALCO Spokesman Joe Zaldarriaga, ang pag-stabilize ng consumption pattern ay maaaring mauwi sa rate adjustment.
Malaking dahilan aniya nito ay ang pagsisimula ng rainy season sa bansa kung kaya nagsisimula na ring maging stable ang paggamit ng kuryente.
Nabatid na noong nakaraang buwan ay nagpatupad ang MERALCO ng taas-singil sa kuryente sa P0.4183 per kilowatt hour dahil sa pagtatapos ng kanilang distribution-related refund. —sa panulat ni Jam Tarrayo