dzme1530.ph

Hirit na taas-pasahe sa MRT 3, tinutulan ng isang grupo

Tinutulan ng isang grupo ang muling inihihirit na dagdag-pasahe sa Metro Rail Transit line 3 (MRT-3).

Paliwanag ni Atty. Ariel Inton, pangulo ng Lawyers for Commuters’ Safety and Protection (LCSP), kung ma-aaprubahan ang taas-pasahe ay magiging dagdag na kalbaryo ito para sa mga pasahero lalo’t karamihan ng nagko-commute ay mga manggagawa.

Aniya, hindi dapat ikatwiran ang matagal na hindi pagpapatupad ng fare hike sa nasabing tren dahil kailangang suriin at isaalang-alang ang economic status ng mamamayan.

Dahil dito, nanawagan ang LCSP kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. na ipagpaliban na muna ang anumang balak na pagtaas ng pasahe sa MRT-3.

Matatandaang sinabi ng Department of Transportation na makatwiran ang petisyon ng MRT-3 dahil sa sunod-sunod na pagsasaayos at rehabilitasyon sa railways at matagal na rin bago nagkaroon ng pagbabago sa pasahe sa tren. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author