Ipatutupad ng Department of Social Welfare and Development ang bago nilang programa na “Oplan Pag-abot” sa Metro Manila.
Sinabi ni DSWD Spokesperson Romel Lopez na layunin ng bagong programa na mabawasan ang panganib sa mga bata, mga indibidwal, at mga pamilyang nasa lansangan, sa pamamagitan ng outreach operations at pagpapatupad ng iba’t ibang interventions.
Aniya, mahigpit na makikipag-ugnayan ang ahensya sa mga local chief executives upang matiyak ang tamang dayalogo at koordinasyon, para mabantayan ang progreso sa pagtulong nila sa mga pamilya at mga batang nasa mga lansangan.
Inihayag ni Lopez na tututukan muna nila ang Metro Manila at kapag nakitang epektibo ito ay ipatutupad din nila ang programa sa iba pang highly urbanized cities. —sa panulat ni Lea Soriano