dzme1530.ph

PNP Anti-Cyber Crime Group, nagbabala kontra lottery scams

Binalaan ng PNP Anti-Cyber Crime Group ang publiko laban sa mapanlokong lottery scam na palihim na nangangalap ng impormasyon upang makapag-nakaw.

Ayon kay PNP Anti-Cyber Crime Group Spokesperson P/Capt. Michelle Sabino, kadalasang modus ng mga ito ang pagpapadala ng email, text o social media messages na nanalo sa lotto ang receiver at kailangang tumawag sa numero o sagutin ang email na ibinigay. dito hihingan ng insurance fee, tax, bank fees at ibang bayarin.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng GCash ang publiko lalo ang mga e-wallet user kung paano ito maiiwasan.

Ayon sa GCash Philippines, pag-aralang mabuti ang mga mailers message na matatanggap at huwag ito basta i-click.

Tiyakin ding mananaya ka sa lotto para makatanggap ng mga mensaheng nanalo sa larong ito.

Kung kahina-hinala ang mga lottery winning message, makipag-ugnayan agad sa PNP-ACG sa kanilang hotline 09985988116 o kaya ay mag-message kay Gigi gamit ang official GCash help center app at i-type lamang ang “I want to report a scam”.

Maaari ring tumawag sa GCash hotline 2882 para sa ano mang katanungan o concerns.

About The Author