dzme1530.ph

Reklamo ng costumer laban sa Meralco na lumabag sa Republic Act 7832, pinagtibay ng SC

Pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon ng Court of Appeals na dapat magbigay ng notice sa loob ng 48-oras ang Meralco sa isang customer bago nito putulan ng suplay ng kuryente.
Sa desisyon ng Supreme Court, kinatigan nito ang kasong isinampa ng isang Lucy Yu, na pinutulan ng kuryente ng Meralco, dahil sa kabiguan nitong makabayad.
Noong December 9, 1999, puwersahan umanong pinasok ng mga kawani ng Meralco ang compound ng New Supersonic Industrial Corporation na pag-aari ni Yu dahil sa hindi nabayaran na monthly bill.
Agad nagtungo sa Valenzuela City Regional Trial Court ang nasabing customer para ireklamo ang Meralco dahil wala umano itong ibinigay na Notice of Disconnection bago pinutol ang suplay ng kuryente.
Sa desisyon ng korte, malinaw na nilabag ng Meralco ang Republic Act 7832 o Anti Electricity and Electric Transmission Lines/Materials Pelfetage Act kung saan dapat munang magbigay ng 48-hour notice ang electric distributor bago nito alisin ang serbisyo sa customer.
Agad iniakyat ng Meralco sa Court of Appeals ngunit kinatigan nito ang desisyon ng Regional Trial Court ng Valenzuela City. Sa paggulong ng kaso sa SC, sinabi ng Meralco na nagkaroon ng abuse of discretion ang Court of Appeals, bagay na hindi pinakinggan ng mga Mahistrado. –ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author