Magandang balita para sa lahat ng mga Katoliko!
Maaari nang mabisita at makita ng malapitan ng mga Katolikong deboto ang mga mahahalagang bagay na ginamit ni Pope John Paul II, ng itoy magtungo at bumisita sa ating bansa.
Itoy matapos buksan ng Manila Cathedral sa publiko ang exhibit na nagpapakita sa mga gamit ng yumao ng Santo Papa.
Kabilang sa mga masisilayan sa naturang exhibit ay ang mga damit na kanyang isinuot, sasakyan, mga Kalis, larawan ng kanyang misa at maraming iba pa.
Nagsimula pa ang exhibit nito lamang Huwebes na tatagal hanggang sa araw ng linggo, July 2, kaya’t paalala sa mga debotong Katoliko may isang araw pa para masilayan ang mga nasabing kagamitan o memorabilia ni Pope John Paul II. –ulat mula kay Felix Laban, DZME News