Umabot na sa 257,805 na mga multiple registrant ang matagumpay na inaalis ng Commission on Election sa talaaan ng ng mga botante.
Ayon kay Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, ang paglilinis na ginawa ay dulot ng pagsisikap nila na malinis ang talaan ng mga botante sa bansa.
Kabilang sa naturang bilang ang 167,223 ang nadiskubre na dalawa ang kanilang registration base sa ginawang Automated Fingerprint Identification System ng Comelec.
Nasa 84,335 naman ang nadiskubre na lumipat na ng kanilang tirahan ngunit nakarehistro pa rin sa lugar na kanyang pinanggalingan.
Nasa 2,620 naman ang idineklarang pumanaw o namatay ayon sa Local Civil Registrant ngunit patuloy pa rin itong nasa voters list.
Inalis din ng Comelec ang 3,544 na mga botante dahil sa pagkakaroon nito ng kahalintulad na rehistro sa ibang bayan at siyudad.
Samantala nakatakda namang magsagawa ng 2nd round cleansing ng voters list ang Comelec sa darating na July 27 para matiyak ang maayos na listahan ng mga botante sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan election sa Oktubre. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News