Dapat pa ring ipagpatuloy ng publiko ang pagsusuot ng face mask.
Ito, ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Health Care, sa gitna ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa pahayag, sinabi ni CBCP-ECHC Executive Secretary Camillian Father Dan Cancino, ang patuloy na paggamit ng face mask ay nakapagbibigay proteksyon din laban sa usok at sa ibang sakit gaya ng tuberculosis at hindi lamang sa COVID.
Binigyang diin ni Cancino na kinakailangan pa ring isipin ang kalusugan ng publiko lalo ng mga Pilipinong may mahinang resistensiya, na madaling mahawa ng sakit.
Kahapon, Biyernes, iniulat ng Department of Health (DOH) ang dagdag na 397 bagong kaso ng COVID-19 para maitala ang mga aktibong kaso sa bansa sa 7,736.