dzme1530.ph

Inflation nitong Hunyo, napanatili –BSP

Hindi nagbago ang inflation o bilis nang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa buwan ng Hunyo.
Ito ayon sa pagtantiya ng BSP, na posibleng napanatili ang inflation rate sa pagitan ng 5.3% hanggang 6.1% sa pagtatapos ng buwan.
Matatandaang Mayo ngayong taon nang bumagal sa 6.1% ang naitalang inflation bunsod ng paghinto ng pagtaas ng presyo ng fuel o panggatong, transportasyon at ilan pang pangunahing bilihin.
Mas mataas pa rin ito sa target ng gobyerno na 2% hanggang 4%.
Sa Hulyo a-7 nakatakdang i-anunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang opisyal na datos ng headline o overall inflation sa bansa.

About The Author