dzme1530.ph

P40 umento sa sahod sa NCR, hindi sapat, ayon sa mga grupo ng manggagawa

Hindi sapat ang P40 dagdag-sahod sa mga empleyado ng pribadong sektor sa National Capital Region (NCR).

Sa isang pahayag, sinabi ng Federation of Free Workers na bagama’t welcome sa kanilang grupo ang pag-apruba sa wage increase, ay makikita pa rin sa karamihan sa mga manggagawa ang pagkadismaya kaugnay nito.

Paliwanag ng labor group, mas mababa ang P40 umento sa sahod sa mahigit P100 na inaasahan ng labor force.

Sinabi rin ng Partido Manggagawa(PM) na ang wage increase ay mas mababa sa P100 hanggang P1,140 na inihaing petisyon ng ilang grupo ng mga manggagawa simula pa noong Disyembre noong nakaraang taon.

Una nang inanunsyo ng NCR-Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang Wage Order no. NCR-24, na tumutukoy sa pagtaas ng daily minimum wage para sa non-agriculture at agriculture sector workers, na epektibo sa Hulyo 16.

Dahil dito, aabot sa P610 ang magiging arawang sahod sa Metro Manila mula sa kasalukuyang P570 para sa mga hindi manggagawa sa sektor ng agrikultura. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author