dzme1530.ph

LPA AT AMIHAN, MAG PAPAULAN SA MALAKING BAHAGI NG BANSA.

Magiging maulan ang panahon sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw ng Biyernes, dahil sa Low Pressure Area (LPA) at Northeast Monsoon o Hanging Amihan.

Sa update ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 275 kilometers East Northeast ng Surigao City.

Dahil sa LPA at Amihan, makulimlim na panahon na may mahinang pag ulan ang maaasahan sa Eastern Luzon at Palawan.

Maulap na kalangitan na may kalatkalat na pag ulan din ang mararanasan sa buong Visayas.

Inaasahan ang pag ulan sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, at Mindanao.

Sa kabila nito, maliit pa rin ang tyansa na maging bagyo ang nasabing LPA.

About The Author