dzme1530.ph

‘Hot money’, bumagsak ng 54% noong Mayo

Bumaba ng 54% ang net outflows ng short-term foreign investments  o  “hot money” na naitala ng Bangko Sentral ng Pilipinas noong Mayo.

Ayon sa BSP,  bumagsak sa 124 million dollars ang hot money noong ikalimang buwan ng taon kumpara sa 270 million dollars noong May 2022.

Mas mababa rin ng 65% ang net outflows noong Mayo kumpara sa 352 million dollars na naitala noong Abril.

Mula sa lumabas na hot money noong Mayo, 69.7 percent ay in-invest sa Philippine Stock Exchange-listed shares habang 30.3 percent ang inilagak sa government securities.  —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author