dzme1530.ph

Defense sec. Gilbert Teodoro, pinangunahan ang multi-agency meeting para sa pagpapabuti ng disaster response

Nagpulong ang member agencies ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para talakayin ang ang mga paraan kung paano mapagbubuti pa ang disaster response sa  local at national levels.

Pinangunahan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang ikalawang Full Council Meeting ng NDRRMC sa Camp Aguinaldo, sa Quezon City.

Kabilang sa mga dumalo ay sina Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga at Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity, Secretary Carlito Galvez Jr.

Ilan lamang sa mga tinalakay ay ang pagbalangkas sa Local Disaster Risk Reduction and Management Plan (LDRRMP) Formulation Guidebook at Guidelines para sa formulation at implementation  ng Public Service Continuity Plan (PSCP).

Ang mga hakbang para sa pagpapabuti ng disaster response efforts ay alinsunod sa Republic Act 10121 o Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author