Isang malaking hamon para sa pamahalaan na maibaba sa below 2% ang inflation rate ng bansa sa unang quarter ng susunod na taon.
Ayon sa ekonomistang si Prof. Emmanuel Leyco, posible lang itong maabot kung nasa 2% ang average ng inflation ngayong taon.
Mahihirapan aniya ang pamahalaan gayung inaasahang malaki din ang magiging epekto ng nagbabadyang El Niño sa maitatalang inflation rate.
Binigyang-diin ni Leyco na magkaiba ang epekto ng inflation na posibleng maranasan ng mahirap at mayaman.
Sa pamamagitan aniya ng masusing pagmomonitor ng pamahalaan sa inflation, posibleng maagapan o mabigyan agad ng nararapat na tugon ang magiging epekto nito sa mga Pilipino.