Tuloy na ang tigil-operasyon ng Southern Commuter Line ng Philippine National Railways, sa araw ng Linggo, July 2.
Inanunsyo ng PNR na wala munang biyahe sa Alabang to Calamba route bunsod ng konstruksyon ng North-South Commuter Railway (NSCR) project.
Ang mga maaapektuhan istasyon ay kinabibilangan ng Muntinlupa, San Pedro, Pacita Main Gate, Golden City, Biñan, Sta. Rosa, Cabuyao, Mamatid, at Calamba.
Bunsod nito ay nagbukas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng tatlong ruta para sa operators’ ng Public Utility Vehicles, gaya ng mga bus at modern jeepneys upang tulungan ang mga commuter na maaapektuhan ng pagsasara ng ilang PNR stations. —sa panulat ni Lea Soriano