Sa halip na sa Oktubre ay iniurong pagkatapos ng pasko ang limang taong tigil-operasyon ng biyaheng Tutuban to Alabang and vice versa ng Philippine National Raiways (PNR).
Ito’y dahil hindi pa nalalagdaan ang mga kontrata para sa construction ng North-South Commuter Railway (NSCR) Project.
Una nang sinabi noong Pebrero ni PNR General Manager Jeremy Regino na pagsapit ng Oktubre ay isasara sa mga commuter ang rutang Tutuban to Alabang, pati na ang Governor Pascual sa Malabon patungong Tutuban.
Ipinaliwanag ni Regino na ngayong buwan pa lamang kasi malalagdaan kasama ang mga contractor ang construction package para sa NSCR. —sa panulat ni Lea Soriano