dzme1530.ph

Minimum na suweldo sa Metro Manila, dinagdagan ng P40

Tataas ng P40 ang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa National Capital Region.

Inihayag ng Department of Labor and Employment na inaprubahan ng Regional Wage Board sa NCR ang dagdag na P40 sa sahod ng mga manggagawa sa Non-Agriculture at Agriculture sector.

Bunsod nito, magiging P610 na mula sa P570 ang minimum wage ng mga nasa Non-Agriculture sector sa NCR.

Ang mga nasa Agriculture sector, Service sector at Retail Establishment naman na mayroong empleyado na 15 pababa at mga manufacturer na may empleyado na 10 pababa ay tataas sa P573 ang minimum wage.

Inaasahang magiging epektibo ang umento sa sahod sa July 16, 2023. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author