Tinaya ng outgoing governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na posibleng lumagpas sa anim na porsyento ang paglago ng ekonomiya sa ikalawang quarter ng taon.
Hindi naman masabi ni BSP Governor Felipe Medalla kung malalagpasan ng second-quarter economic growth ang naitalang 6.4% noong first quarter.
Samantala, inihayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Usec. Rosemarie Edillon na tinatayang malalagpasan ng Philippine economy ang marami sa regional peers nito ngayong taon, sa kabila ng external challenges.
Target ng pamahalaan na maabot ang 6-7% gross domestic product (GDP) growth ngayong 2023. —sa panulat ni Lea Soriano