dzme1530.ph

Itinurong gunman sa pagpaslang kay Cris Bunduquin sa Oriental Mindoro, sumuko sa NBI

Sumuko sa National Bureau of Investigation, kagabi ang umano’y gunman ng nasawing radio broadcaster sa Oriental Mindoro na si Cris Bunduquin.

Ang suspek na si Isabelo Lopez Bautista at asawa nito ay iprinisinta sa media ni Undersecretary Paul Gutierrez ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).

Ayon kay Gutierrez, itinanggi ni Bautista ang paratang na ito ang bumaril kay Bunduquin.

Idinagdag ng opisyal na nais umanong makipagtulungan ng suspek upang magkaroon ng linaw ang nangyaring pagpaslang sa radio commentator.

Dahil wala pang naisasampang kaso, maari pang umuwi si Bautista, subalit mas pinili nitong manatili muna sa NBI. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author