Ibinasura ng Sandiganbayan ang kaso ng ill-gotten wealth na isinampa laban kay yumaong Pang. Ferdinand Marcos Sr., maybahay nitong si Imelda, at kanilang associates.
Bunsod ito ng kabiguan ng prosekusyon na patunayan ang mga alegasyon nito sa pamamagitan ng “Preponderance of Evidence.”
Sa naturang Civil case na isinampa noon pang 1987, pinakukumpiska at pinababawi ang ilang assets at properties na pag-aari nina Modesto Enriquez, Trinidad Diaz-Enriquez, Rebecco Panlilio, Erlinda Enriquez-Panlilio, Leandro Enriquez, Don Ferry, Roman Cruz Jr. at Gregorio Castillo, na pawang dummies o associates umano ng Marcoses.
Ilan sa mga sangkot na kumpanya ay ang Ternate Development Corp., Monte Sol Development Corporation, Olas del mar Development Corporation, Fantasia Filipina Resort, Silahis International Hotel, at Puerto Azul Beach and Country Club. —sa panulat ni Lea Soriano