dzme1530.ph

Batas na nagpapaliban sa Barangay at SK elections, idineklarang unconstitutional ng Supreme Court

Idineklara ng Supreme Court bilang unconstitutional ang batas na nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections mula sa orihinal na schedule nito na Dec. 5, 2022, sa huling Lunes ng Oktubre ng taong kasalukuyan.

Gayunman, kinikilala ng SC ang legal practicality at neccessity na ituloy ang halalan sa October 30.

Sa desisyon na pinonente ni Associate Justice Antonio Kho Jr., kinatigan ng court en banc ang consolidated petitions ng mga abogado na sina Romulo Macalintal, Albert Hidalgo, Frances May Realino, at iba pa, na kumu-kwestiyon sa legalidad ng Republic Act 11935, o mas kilala bilang “Act Postponing the December 2022 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.”

Ang naturang batas ay nilagdan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. noong October 10, 2022.

Bukod sa pag-reschedule sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ay pinayagan din ang mga opisyal na manatili sa kanilang mga puwesto maliban na lamang kung sila ay sibakin o suspindihin. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author