Posibleng umabot sa halos P600 per dose ang presyo ng bakuna kontra African Swine Fever (ASF) na dinivelop sa Vietnam, ayon sa Bureau of Animal Industry (BAI), dahilan para manawagan ang hog industry sa pamahalaan ng subsidiya upang hindi sumirit ang presyo ng karneng baboy sa mga pamilihan.
Sinabi ni BAI Assistant Director Arlene Vytiaco, na kapag inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ay maari nang i-rollout ang bakuna ngayong taon, subalit sa mga commercial hog farms lamang muna.
Paliwanag ni Vytiaco, nasa 300,000 dose lang kasi ang maaring mai-deliver ng Vietnem sa huling quarter ng 2023.
Una nang inanunsyo ng BAI na nakumpleto na ang safety at efficacy trial ng ASF vaccine, at naghihintay na lamang ng certificate of product registration mula sa FDA. —sa panulat ni Lea Soriano