Ang pagdighay ay paraan ng katawan upang ilabas ang sobrang hangin sa tiyan. Nakalulunok tayo ng sobrang hangin kung mabilis kumain at uminom, nagsasalita habang kumakain, umiinom ng softdrinks o umiinom gamit ang straw.
Para mabawasan ang pagdighay, kumain at uminom ng dahan-dahan. Huwag magmadali para hindi mabulunan at limitahan ang pag-inom gamit ang straw.
Itigil ang pag-inom ng carbonated na inumin, gaya ng softdrinks at beer, dahil naglalabas ito ng carbon dioxide.
Iwasan din ang chewing gum o pagsipsip ng matitigas na candy, pati na ang paninigarilyo.
Gayundin ang humiga agad pagkatapos kumain.