dzme1530.ph

SP Zubiri, may pagkakataon pa para bawiin ang lagda sa #MIF bill

Maaari pang bawiin ni Senate President Juan Miguel Migz Zubiri ang nilagdaang Maharlika Investment Fund Bill.

Ito ang binigyang-diin ni Senate Minority Leader Koko Pimentel sa gitna ng mga kwestyon sa ginawang pagbabago sa dalawang probisyon kahit aprubado na ito sa 3rd and final reading at inadopt pa ng Kamara.

Tinukoy ni Pimentel ang sections 50 at 51 na pinagsama na sa iisang probisyon at ginawang prescription of crimes/offenses na idineklarang 10 taon at hindi 20 taon.

Iginiit ng minority leader na hindi maituturing na saklaw pa ng subject to style ang pagbabagong ito at dapat ay idinadaan sa plenaryo ng Senado.

Sinabi ni Pimentel na mas makabubuti sana kung pinirmahang as is ang bill at isinumite sa Pangulo at saka na lamang maghain ng panukalang amendment sa pagbabalik ng sesyon.

Sa ganitong paraan anya ay maayos na mailalatag ang mga pagbabago sa panukala. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author