Naging matagumpay ang halos isang oras na isinagawang pag-aalay ng bulaklak ngayong araw sa Bantayog ni Rajah-Sulayman, bilang parte ng Celebration sa Maynila, ngayong Sabado.
Kung saan dumating ng 7:00 ng umaga ang alkalde ng Lungsod ng Maynila na si Mayor Maria Sheilah Honey Lacuna-Pangan, kasama nito ang kanyang Bise Alkade ng si Yul Servo Nieto, katuwang ang Ama ng Kapulisan ng Maynila na si MPD Dir. PBGen. Andre P Dizon, kaakibat ang lahat ng kawani sa lungsod.
Bukod sa Pag-aalay ng Bulaklak nagbigay pugay ito sa bantayog ni Rajah Sulayman, at nag-alay rin ng taimtim na pagdarasal, kasunod ang awiting Lupang Hinirang, at ang “Awiting Oh Maynila”.
Ipinaalala rin sa mga Manileño ang mga aral ng kasaysayan na mananatiling buhay sa pusot isipan ng bawat isa, at ang patuloy na pagkakaisa tungo sa mas ligtas at mas maunlad na lungsod ng maynila na ang kinabukasan ay nasa lahat at bawat batang Maynila. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News