dzme1530.ph

DICT, nagbabala sa publiko laban sa ‘money mules’ kaugnay ng nalalapit na pagtatapos ng SIM Card Registration

Nagbabala ang Dept. of Information and Communications Technology (DICT) laban sa mga scammer na gumagamit ng ‘money mules’ habang papalapit ang deadline ng SIM Card registration sa July 25.

Ang money mules ay tumutukoy sa paraan ng pagbebenta ng identity ng isang indibidwal sa mga scammer.

Sa method na ito, sinabi ni DICT Sec. Ivan John Uy na tunay na tao, mayroong picture o valid identification card ang mga magrerehistro.

Pagkatapos nito ay ibebenta nila sa mga scammer sa halagang P1,000 ang SIM card.

Aniya, maituturing ito na ‘easy money’ lalo na sa naninirahan sa squatter areas.

Samantala, patuloy na nakikipag-ugnayan ang DICT sa iba pang ahensya ng gobyerno upang masugpo ang mga scammer. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author