dzme1530.ph

Mahigit 25k record ng mga botante, tinanggal dahil sa duplikasyon —COMELEC

Mahigit 25,000 record ng mga botante ang inalis ng Commission on Elections (COMELEC) dahil sa duplikasyon, maraming entries, at iba pa.

Sa weekly report ng COMELEC, sinabi na isinagawa noong Hunyo 19, ang Special Election Registration Board Hearing upang tanggalin ang multiple records sa kanilang database, bilang paghahanda para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.

Sa partial data na inilabas kahapon, June 23, aabot sa kabuuang 25,440 tala ang inalis ng ahensya mula sa listahan ng registered voters sa bansa.

Ayon sa COMELEC, ang mga dokumentong ito ay ipadadala sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at National Movement for Free Elections (NAMFREL) para sa pagsusuri.

Muli naman anilang ikakasa sa Hulyo ang ‘cleansing’ sa listahan ng mga botante. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author