dzme1530.ph

Malacañang, tiwala sa expertise ng susunod na BSP Gov.

Tiwala ang Malacañang sa expertise o husay ng susunod na Governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas na si Eli Remolona.

Ayon sa Presidential Communications Office, sa kanyang malawak na experience at mga natatanging achievements sa central banking, economic policy, international finance, at financial markets, tiyak na magagampanang mabuti ni Remolona ang kanyang bagong tungkulin.

Inaasahang gagamitin din nito ang malalim na kaalaman upang pangunahan ang BSP sa pagtataguyod ng financial stability, mga epektibong monetary policies, at masiglang banking sector.

Si Remolona ay dating nanungkulang member ng BSP Monetary Board.

Papalitan niya si outgoing BSP Gov. Felipe Medalla na magtatapos ang termino sa July 2. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author