Naglabas ang Dep’t of Social Welfare and Development ng panibagong Cease and Desist Order laban sa Gentle Hands Inc. Orphanage sa Quezon City.
Ito ay matapos matuklasan na ang bahay-ampunan ay binawian ng Fire Safety Inspection Certificate ng Bureau of Fire Protection.
Sa liham ng Quezon City Fire Dep’t sa DSWD, kinumpirmang ni-revoke ang FSIC ng Gentle Hands bunga ng 13 paglabag sa Fire Code.
Kabilang dito ang kabiguang makatugon sa required termination ng fire exits, kawalan ng automatic detection and alarm system, kawalan ng aprubadong automatic sprinkler system, kawalan ng emergency evacuation plan, at kabiguang magsagawa ng emergency evacuation and relocations drills.
Matatandaang una nang sinilbihan ng Cease and Desist Order ang Gentle Hands noong Mayo dahil sa hinihinalang paglabag sa Republic Act no. 7610 o ang Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News