dzme1530.ph

Mga petisyon para sa taas-singil sa kuryente, pinababasura sa ERC

Hindi dapat payagan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang hirit na taas-singil sa kuryente ng Meralco, ayon sa konsyumer group na Kuryente.Org.

Ayon sa grupo, sa datos ng Securities and Exchange Commission kumita pa umano ng mahigit P28-B ang Meralco noong nakaraang taon, anila hindi naman nalulugi ang naturang power distributor.

Sa pahayag sinabi ni Kuryente.Org National Coordinator Roland Vibal, na hindi napapanahon ang taas –singil gayung presyo lang ng bilihin ang patuloy na tumataas at hindi ang suweldo ng pangkaraniwang tao. Lalo’t higit marami pang Pilipino ang hindi pa nakaka-alpas sa epektong dinulot ng pandemiya at krisis sa ekonomiya.

Bukod sa petisyon ng Meralco, hiniling din ng grupo na ibasura ng ERC ang hirit na dagdag-singil ng mahigit 40 na power ditributors sa Luzon.

About The Author