dzme1530.ph

Maharlika Fund Bill, kaagad pipirmahan ng Pangulo sa oras na matanggap niya ito

Kinumpirma ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kaagad niyang pipirmahan ang Maharlika Investment Fund Bill, sa oras na makarating na sa kanya ang pinal na bersyon nito.

Sa ambush interview sa bagong headquarters ng Securities and Exchange Commission sa Makati City, inihayag ng Pangulo na pag-aaralan niya ang lahat ng pagbabagong ginawa ng kamara at senado sa Maharlika Bill.

Naniniwala naman ang Pangulo na ang mga pagbabago sa Maharlika Bill ay para rin sa safety at security ng pension funds ng publiko.

Samantala, iginiit naman ni Marcos na ang management o maayos na pamamahala ang magiging daan sa pagtatagumpay ng Maharlika Fund, kaya’t dapat ding tutukan kung sino ang mga ilalagay para mamahala ng investment fund.

Kailangan din umanong matiyak na mag-ooperate ang Maharlika Fund bilang isang independent fund kung saan ang mga desisyon ay manggagaling sa finance professionals at hindi sa mga politiko. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author