dzme1530.ph

Sapat na supply ng HIV drugs hanggang sa susunod na taon, tiniyak ng DOH

Tiniyak ng Department of Health sa mga pasyenteng may HIV na sapat ang Anti-retroviral drugs sa bansa hanggang sa susunod na taon.

Ginawa ng ahensya ang pagtiyak matapos maalarma ang grupong Network Plus Philippines sa napaulat na “dwindling and unstable supply” ng HIV Anti-retroviral treatment sa loob ng DOH at Philippine National Aids Council.

Sa statement, sinabi ng DOH na inaasahang darating sa bansa ang initial batch na 58,000 bottles ng gamot sa katapusan ng Hunyo para sa lahat ng kasalukuyang pasyente, estimated new enrollees, at estimated shiftees, batay sa updated transition plan.

Ang pangalawa namang batch na binubuo ng 243,000 bottles ay inaasahang ide-deliver sa Hulyo habang ang ikatlong batch na 292,000 bottles ay darating sa Setyembre. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author