dzme1530.ph

ITCZ, patuloy na nakaaapekto sa bahagi ng Palawan, Visayas at Mindanao

Patuloy ang pag-iral ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa bahagi ng Palawan, Visayas at Mindanao.

Ayon kay PAGASA weather specialist Dan Villamil, asahan pa rin ang maulap na kalangitan, na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Palawan, Central Visayas, Southern Leyte, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Caraga.

Asahan naman ang mainit at maalinsangang panahon ngayong umaga hanggang tanghali, habang posible ang biglaang pagbuhos ng ulan sa hapon o sa gabi sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, dala ng Localized Thunderstorms.

About The Author