Nagkaroon ng pagbagsak mula sa summit lava dome ng Mayon Volcano sa Albay kasunod ng ikalawang small-volume pyroclastic density current, kagabi.
Ayon sa PHIVOLCS, simula noong June 1 hanggang alas-7 kagabi ay nakapagtala ng 63 pyroclastic density currents at 3,428 rockfall events sa Mayon.
Sinabi ng ahensya na patuloy ang mabagal na pag-agos ng lava sa Mi-Isi at Bonga Gullies na umabot na sa 2.5 kilometers at 1.8 kilometers.
nag-collapse ang lava sa dalawang gullies na umabot na sa 3.3 kilometers mula sa crater ng Mayon Volcano na nasa ilalim ng Alert level 3. —sa panulat ni Lea Soriano