dzme1530.ph

Hoarding at smuggling ng agricultural products, patuloy na tutugunan ng Marcos Administration

Tiniyak ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na patuloy na tutugunan ng kanyang administrasyon ang hoarding at smuggling ng agri-products sa bansa.

Ito’y matapos isisi ni Pangulong Marcos sa hoarding ang paglobo ng presyo ng sibuyas nang magsimula ang taon.

Sa panayam sa sidelines ng 125th Anniversary ng Department of Agriculture, sinabi ng Pangulo na ipinagdadamot din ng mga sindikato ang cold storage upang hindi magamit ng ibang producers, kaya kontrolado ng mga ito ang presyo ng sibuyas.

Aniya, malinaw sa lahat na tumaas ng 87% ang presyo ng sibuyas sa mga unang buwan ng 2023 nang walang dahilan dahil kumpleto naman ang ani, subalit nagkaroon ng hoarding at price manipulation.

Nang magsimula ang taon ay nasa P420 hanggang P600 ang kada kilo ng lokal na pula at puting sibuyas sa mga palengke sa Metro Manila. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author