dzme1530.ph

Mahigit 20 katao sa Navotas City, isinugod sa ospital dahil sa ammonia leak

Isinugod sa ospital ang 23 residenteng nahirapang huminga dahil sa ammonia leak, sa isang cold storage facility sa Navotas City.

Alas- 11 kagabi, nang makatanggap ng report ang Bureau of Fire Protection, patungkol sa ammonia leak.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng BFP at pinalikas ang mga residente na nakatira malapit sa lugar.

Nang subukan anilang isara ang valve ng ammonia sa control system ng pasilidad, ay sumabog ito dahil sa lakas ng pressure, na pinagmulan naman ng sunog pasado alas -12 ng hating gabi.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago tuluyang maapula kaninang alas-2 ng madaling araw kung kaya’t naisara na rin ang valve kung saan sumingaw ang ammonia.

Samantala, inaalam pa ng mga otoridad kung may kaugnayan sa nangyaring ammonia leak ang pagkamatay ng isang menor de edad na lalaki na isinugod sa ospital matapos mahirapang huminga.

About The Author