dzme1530.ph

Tampok ang kaalaman tungkol sa Endorphins at mga benepisyo nito

Ang Endorphins ay hormones na nire-release ng katawan kapag nasasaktan o nai-stress. Lumalabas din ito kapag nakararanas ng pleasurable activities, gaya ng pag-e-exercise, masahe, at pagkain. tumutulong ang endorphins para maibsan ang sakit, mabawasan ang stress, at bumuti ang sense of well-being.

Ang endorphins ay nabubuo sa Pituitary Gland at Hypothalamus, na kapwa matatagpuan sa utak. ang mga ito ay uri ng neurotransmitter, o messenger sa ating katawan. nakadikit ito sa reward centers ng brain at nagbibigay ng signal sa buong Nervous System.

Ang endorphins ay natural pain relievers. tinatawag din itong “feel-good” chemicals dahil nagpapabuti sila ng pakiramdan at nagdadala sa isang tao sa positive state of mind.

Nakatutulong ang endorphins upang mabawasan ang sintomas ng depresyon, pati na stress at anxiety; nagpapaganda rin ito ng self-image; nakakapag-regulate ng appetite kaya nakakapagpababa rin ito ng timbang; at nababawasan nito ang sakit na dulot ng childbirth o panganganak. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author