Pinalawig muli ng Special Corruption Court sa Islamabad ang bail o piyansa ni dating Pakistan Prime Minister Imran Khan, makaraang himukin ang kanyang supporters na lumabas sa mga lansangan kapag siya ay muling inaresto.
Ang maikling pagkakabilanggo kay Khan noong nakaraang buwan dahil sa kinakaharap nitong Graft Charges ay naging mitsa ng ilang araw na karahasan nang sumugod sa mga lungsod ang kanyang libo-libong tagasuporta, at sinilaban ang ilang gusali at nakipaglaban sa mga pulis.
Napalaya naman ang dating Prime Minister makaraang ideklara ng Supreme Court na iligal ang pag-aresto sa kanya, subalit iginiit ni Khan na may plano pa rin ang gobyerno na ibalik siya sa kulungan para masira ang kanyang momentum bago ang eleksyon sa Oktubre.
Inextend ng Korte ang bail ni Khan at asawa nitong si Bushra Bibi hanggang sa July 4. —sa panulat ni Lea Soriano