Isinailalim na sa Inquest Proceedings sa Department of Justice ang Alkalde ng Mabini, Batangas na inaresto dahil umano sa Illegal Possession of Firearms.
Si Mayor Nilo Villanueva ay iprinisinta ng PNP Criminal Investigation and Detection Group sa DOJ para sa inquest proceedings kasunod ng pagkakadakip sa kanya noong Sabado.
Sinabi ni Atty. Cipriano Asilo, Counsel ni Villanueva, na hindi na humiling ang kanyang kliyente ng formal preliminary investigation.
Dinakip ang Alkalde makaraang matagpuan sa kanyang bahay sa Barangay Sto. Tomas, ang isang hinihinalang explosive device.
Inaresto rin ang kanyang mga kapatid na sina Barangay Sto. Tomas Chairman Bayani Villanueva at Oliver Villanueva makaraang makumpiskahan ng mga baril at mga bala sa kani-kanilang bahay. —sa panulat ni Lea Soriano