Halos lahat ng dairy products ng Pilipinas ay imported o inaangat sa ibang bansa.
Ito ang inamin ng National Dairy Authority (NDA) sa naging deliberasyon ng panukalang pondo ng Dept. of Agriculture nang kwestyunin nina House Deputy Leader at Quezon Rep. David Suarez ang self-sufficiency level ng bansa sa dairy o milk products.
Ayon kay NDA Administrator Gabriel Lagamayo, nasa isang porsyento lang ang milk-sufficiency ng bansa sa nakalipas na tatlong taon, at 99% ng kinakailangang dairy product ay nagmumula sa ibang bansa.
Sa datos ng NDA, pangunahing pinanggagalingan ng milk products ng Pilipinas ang Estados Unidos, New Zealand, Belgium, Australia, at Indonesia. –sa panulat ni Airiam Sancho