dzme1530.ph

9 patay, 2 nawawala kasunod ng sunog sa Holiday Home para sa disabled people sa France

Siyam na katawan ang narekober mula sa umuusok na gumuhong Holiday Home para sa disabled people kasunod ng sunog sa Eastern France.

Ayon sa Chief Firefigther, dalawa pa ang nawawala na pinangangambahang baka patay na rin.

Ang Holiday Home sa bayan ng Wintzenheim, ay inupahan para sa summer ng isang charity na nangangalaga para sa mga taong mayroong learning disabilities.

Sumiklab ang sunog habang natutulog pa ang mga biktima kaya nahirapan silang makalabas.

17 naman ang nailikas habang isa ang isinugod sa ospital.

About The Author