Wala munang pagsibak sa serbisyo sa 9 na mga pulis ng Imus, Cavite na huli sa CCTV na nanransak at nagnakaw sa tahanan ng isang retiradong guro.
Ayon kay Philippine National Police Spokesperson P/Col. Jean Fajardo, recommendatory pa lamang kasi ang resulta ng imbestigasyon ng PNP internal Affairs Service.
Aniya, dadaan pa ito sa Commission on Disposition of Administrative Cases.
Dagdag ng koronel, layon nitong mabigyan nang pagkakataon ang mga akusado na magpaliwanag at makapaghain ng motion for reconsideration na bahagi ng due process.
Aniya, nagiging maingat ang liderato ng PNP sa pagdismiss sa mga pulis dahil posibleng mabaliktad ang kaso lalo’t hindi nakasunod sa tamang proseso.
Ganunpaman, malaking bagay ang nakita sa video na syang magdiin sa mga pulis para harapin ang mga kasong isasampa ng PNP. —ulat mula kay Jay de Castro, DZME News