dzme1530.ph

9 hanggang 11-oras na daily water service interruption sa Metro Manila, sisimulan na ng Maynilad bukas!

Kasado na ang 9 hanggang 11-oras na daily water service interruption ng Maynilad sa Metro Manila, bukas, Hulyo-a-12.

Ito’y kasunod ng patuloy na pagbaba ng antas ng tubig sa Angat dam sa Luzon dahil sa kakulangan ng pag-uulan.

Ayon sa Maynilad, kabilang sa mga maapektuhan ng water interruption ang 591,000 customers mula Quezon City, Caloocan City, Malabon City, Navotas City, Valenzeula City at Maynila, simula alas-7 ng gabi hanggang alas-4 o alas-6 ng umaga.

Hindi pa tiyak ng Maynilad kung hanggang kailan tatagal ang water service interruption.

Kaugnay nito humihingi ng paumanhin ang Maynilad at pinayuhan ang kanilang mga customer na magsimula ng mag-ipon ng tubig.

About The Author