Umabot na sa 8,000 litro ng oily water mixture ang nakolekta ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pagpapatuloy ng kanilang isinagawang oil spill clean-up sa mga lugar na naapektohan ng pagtagas ng industrial oil mula sa lumubog na MT Princess Empress nitong Pebrero.
Bukod dito, hanggang kahapon ay humigit kumulang isangdaang sako na ng oil-contaminated debris ang naipon ng PCG sa kanilang isinasagawang offshore response operations na nagsimula pa noong Marso a-1.
Katuwang ang LGU, mga residente, iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mga maritime stakeholders, nakaipon na ang mga ito nang nasa 3,000 sako ng mga oily wastes.