dzme1530.ph

82% ng mga lupang sakahan sa bansa, may moderate-to-low soil fertility —D.A.

Inihayag ng Dep’t of Agriculture na nasa 82% ng mga lupang sakahan sa bansa ang may moderate-to-low soil fertility o pangit na kalidad ng lupa.

Ayon kay DA Bureau of Soil and Water Management Chief Agriculturist Dr. Karen Bautista, patuloy ang degradation o pagkasira ng mga lupa sa nagdaang isang dekada dahil sa ilang hindi magagandang agricultural practices.

Tinukoy ding indikasyon ang pagiging dependent ng mga magsasaka sa mga imported na inorganic fertilizers o synthetic fertilizers, na nagdudulot ng pagbaba ng nutrisyon sa lupa tulad ng nitrogen, phosphorus, at potassium.

Ito ang dahilan kaya’t pahirapang mapataas ang ani at produksyon ng mga pananim tulad ng palay.

Kaugnay dito, sinabi ng DA official na agresibong isinusulong ng gobyerno ang balanced fertilization kabilang ang kombinasyon ng organic fertilizers at biofertilizers.

Matatandaang inilabas ng DA ang Memorandum Order no. 32 kaugnay ng paggamit at pamamahagi sa mga magsasaka ng biofertilizers na magpapaganda umano sa kalidad ng lupa at magpapataas ng ani. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author