Nasa 800,000 trabaho ang bubuksan sa foreign workers sa Taiwan at kabilang sa papaboran ay mga Pilipino, ayon sa Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa Taipei.
Ayon kay Taiwan Labor Representatibe Cesar Chavez Jr., target ng Taiwan na mag-hire ng mas maraming Filipino employees, partikular sa service at hospitality sector, na palalawakin sa mga darating na buwan.
Inihayag ng MECO na mataas din ang demand sa Pinoy English Teachers dahil sa ipinatutupad na Bilingual Program sa Taiwan.
Bagaman maliit lamang na bansa ang Taiwan, mayroong mahigit 150,000 OFWs ang nagta-trabaho doon na karamihan ay factory workers. —sa panulat ni Lea Soriano