dzme1530.ph

8-taong gulang na lalaki, naputulan ng kamay makaraang ihagis sa apoy ang hindi sumabog na paputok

Isang walong taong gulang na lalaki ang nawalan ng kamay makaraang masabugan ng paputok, sa Sampaloc, Maynila.

Nangyari ang insidente habang naglalaro ang bata, kasama ang kanyang mga kapatid at isang kaibigan, ilang oras bago magpalit ng taon.

Nag-ipon umano ang apat na batang lalaki ng mga papel at sinigaan, at isa sa kanila ang pumulot ng hindi sumabog na paputok at inihagis sa apoy.

Gayunman, nang mainitan ang paputok ay biglang sumambulat.

Dinala ang apat na biktima sa ospital at tatlo sa kanila ang agad pinauwi matapos malapatan ng lunas habang ang isa ay naiwan pa matapos maputulan ng kamay. —sa panulat ni Lea Soriano

 

 

About The Author